Masyadong maraming mga bagay akong naiisip. Nakaraang buhay, nakaraang ekspiryensya, mga pagsubok, mga paghihirap, mga kasiyahan at kung anu-ano pa. Siguro, kaya ako naiiyak kasi may mga bagay na bumabagabag sa aking kalooban at hinanakit sa mundo pero wala naman akong masabihan tungkol dito. Ikaw kaya, kaibigan, pakikinggan mo ba ako kapag nagsabi ako sa’yo tungkol sa mga bagay na iyon? Hinahangad ko iyon. Alam mo kasi, hindi ko alam kung paano isasaad sa kapirasong papel na ito ang lahat ng nasa saloob ko. Kaya, sa tingin ko, kapag may nasabihan ako ay maiibsan ng kaunti ang problema ko.
You don’t have the guts to pursue your dreams!
He will not make it, trust me…”
Ilan laman ito sa mga salitang narinig ko at patuloy kong naririnig kahit na iwasan ko an mula sa mapanghusgang mga taong nakapaligid sa akin. Araw-araw ay umiipon ang mga salitang ito sa dibdib ko. Kahit anong oras ay maaari akong mapuno at bigla nalang akong sumabog. Kapag nangyari ito, hindi ko alam kung ako ang makakaya kong gawin.
Nagkaroon ng sandali sa buhay ko na nagalit ako, napuno ako. Hindi ko namamalayan, nagwala na pala ako at nakasakit na ako ng aking kapwa. Napakabigat para sa kalooban ko iyon, nagapi ako, natalo, iyak ako nang iyak dahil natalo, talagang hagulgol sa pagkatalo. Hindi ito dahil kung kanino, kundi ano. Nagpatalo ako sa isang bagay na kung saan ayaw na ayaw kong magpatalo. Alam niyo kung ano iyon, “GALIT”, nagpatalo ako sa galit ko. Nakasakit ako ng kapwa ko dahil sa matinding galit. Ikinuwento ko ang baga na ito sa Punong Guro ng aming paaralan.
=+=: Joshua, sige umiyak ka, hahayaan kitang umiyak.
+=+: Ma’am, hindi ko kaya ‘to, nagpatalo po ako sa galit ko, natalo ako.
=+=: Hindi masama ang ginawa mo. Tandaan mo na hindi tayo perpekto para tuluyang
mapigil ang galit natin. Kung ang Lord nga ‘di ba nagalit din, ganoon din tayo,
nagagalit. Pero tama ang ginawa mo na pigilan ang galit.
+=+: Salamat po.
Hindi lang kapwa ko ang nasasaktan ko kapag sumabog na ang nasa saloob, kundi pati rin sarili ko. May sandali ng buhay ko na nasa loob lang ako ng kuwarto ko at umiiyak. Biglang pumasok sa isipan ko na “Subukan ko kayang maglaslas ng pulso, minsan lang. Bakit si **** nagagawa iyon? Hindi naman namamatay. Kaya subukan ko lang, minsan lang.” Noong naisip ko iyon, agad-agad, bumili ako ng blade at bumalik sa aking kuwarto. Noong oras na iyon, ginawa ko na ang aking nasasa-isip. Habang tumutulo ang dugo mula aking kamay, para bang tumutulo rin kasabay nito ang mga problema ko, parta bang may tuwa akong nararamdaman. Hindi ko alam kung tama ba iyon.
Maraming mga bagay akong naunawaan matapos ang mga nangyari sa atin. Walang tao ang maaaring mabuhay ng mag-isa. Kailangan natin ng kaibigan, ng tunay na kaibigan. Napakatanga ko! Ang mga taong hinahanap ko ay nandyan lang pala sa paligid. Malamang patay na ako ngayon kapag hindi ko sila natagpuan. Basta!
Anger is not a bad thing, being angry is also not bad, and that is a natural sensation. The bad thing is when we don’t know how to control or place our anger, bad things will sure follow and we can get our life a big mess. Okay, I just have a message for all the people who are like me “Please! Don’t be a big f*****g sh*t, don’t be a big fool like me. Find someone to talk with about something. You know, I am really emotional about my life. Behind this happy face is another face of mine, meet sadness.
naka-iiyak daw tong post ko na toh..!
ReplyDeletei don't no why..?
di ko toh feel na naka-iiyak..!
hehe..!