Monday, July 27, 2009

Kailan pa nagkaroon ng Kwenta ang Blog na Walang Kwenta?

Hehehe..! kailan pa nagkaroon ng kwenta ang blog na walang kwenta? Ito ba ay noong tinaggalan ito ng kwenta o 'di naman kaya'y binigyan ito ng walang kakwentahan. Ang gulo hano, naka-dudugo ng brain. May brain ba ako? Naku, lalo pang nakagulo.
Ako nga pala si Joshua na ang first name ay Joshua at last name ay Canlas, for short Joshua Canlas. Ano ba ang nasa name ko? Aba'y hindi ko alam, all I know is mula pa ng since birth ko e nandito na ako kasama ng name ko. Basta, pinapagulo ko lang buhay niyo e. Do you like to read more?
What if? What if lang ha. What if eh lumabas ako sa harap mo at this very moment.
Tapos, bigla kong sabihin sa'yo na. "May mamamatay, buwahahaha!" Hinde, biro lang, takot ka noh. Ang sasabihin ko talaga kung saka-sakali na makita mo ko e, "Ay! ba't ako nandito? BYEH, balik na ako sa computer, sige, tuloy mo lang ang basa mo. Bye..h!" Hehe! yun nga ang sasabihin ko sa'yo, bye na. Continue reading lang ha..!

Saturday, July 25, 2009

Kalungkutang Hindi Mapawi ni: Joshua Canlas

Kalungkutang Hindi Mapawi
ni: Joshua Canlas


“Wala kang awa, sabi mo, Diyos ka! Nagkamali ako sa’yo, napakawalanghiya mo. Ako na nga ang lubos na nakakikilala sa’yo sa buong pamilyang ‘to. Sa lahat ba naman ng tao, bakit ako pa ang binigyan mo ng malubhang sakit na kagaya nito? Bakit ako pa?” Ito ang matinding paghagulgol at pagwawala ni Mark habang siya’y nasa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Si Mark ay isang binatang mula pa lamang sa pagkabata ay ginagamit na ng Panginoon sa kanyang tahanan. Aakalain mong walang kapaguran ang batang ito sapagka’t patuloy ang kanyang pagtulong at pagsuporta sa mga gawain sa simbahan sa kabila ng kanyang pagiging bata. Hinding-hindi mo siya makikita na kasama ang kanyang mga kaibigan o ang kanyang mga kamag-aral tuwing Sabado at Linggo. Dalawa lamang ang maaari mong tunguhing lugar kung siya’y gusto mong makita, ang kanilang tirahan o sa simbahan. Lubos na nakatutuwang isipin na ang katulad niyang labimpitong gulang na kabataan ay inialay na ang buhay upang pagsilbihan ang kanyang mga magulang at ang kanyang nag-iisang Panginoong Hesus. Ngunit, sa kabila noon. Sino ang makapag-tatanto na ang katulad niyang bata ay maaaring malyo sa piling ng kanyang mga kaibigan, sa piling ng kanyang mga kapatid, sa piling ng kanyang mga magulang o lalong-lalo na sa piling n gating Panginoong Hesus.
Sa isang kuwarto sa bahay nina Mark, nag-uusap ng masinsinan ang kanyang Ina at kapatid.
“Hindi ko na alam kung hanggang kalian ko pa maaaring itago ang tungkol sa karamdaman ng iyong kapatid, Sheila. Sa tuwing nakikita ko siya, gusto ko man na maging maligaya dahil nagagamit ng Diyos ang kanyang buhay, kalungkutang pilit ang namumuo sa aking puso. Naaawa ako para sa iyong kapatid, anumang oras ay maaari siyang mawala sa ating piling.” Wika ng kanyang Ina. Sa puntong iyon, tuluyan siyang napabulalas ng iyak.
“Alam ko Ina ang nararamdaman mo at hindi lang ikaw ang may ganyang damdamin, pati rin ako. Kaya Ina, ang pinakamabuti nating gawin ay ipagtapat na kay kuya ang tungkol sa kanyang karamdaman upang hindi na tayo naghihirap sa pagtatago nito. Mas mabuti nang sa atin niya ito malaman, imbes na mula pa sa ibang tao.” Paliwanag ni Sheila.
“Hindi ko yata alam kung makakaya ko yan. Hindi ko kayang makita ang kanyang reaksyon kapag ito’y nalaman niya, baka mauna pa ako sa kanya.” Ang mabilis na sagot ng kanyang Ina.
“Ina, tigilan mo nga iyan. Lalo akong kinikilabutan sa sinasabi mo e.” Ang pasigaw at padabog na tugon ni Sheila sa kanyang Ina.
Ang hindi nila alam, nasa likod lang pala ng pinto ng kuwarto si Mark at nakikinig. Sa patuloy niyang pakikinig sa usapan ng kanyang Ina at kapatid, ‘di niya napigilan ang kanyang sarili na sumugod sa loob at malaman ang totoo.
“Ina ko, Sheila. Narinig ko ang lahat, lahat-lahat. Ngayon, ang nais kong malaman. ‘Totoo ba ang lahat ng narinig ko?’ Ina, sa’yo ko gustong marinig ang sagot. Sagot!” Isang matinding pagkagalit at pagluha ang nananaig sa damdamin ni Mark habang nakikipag-usap siya sa kanyang Ina.
“ ‘Wag kang magalit, anak ko. Patawarin mo ‘ko pero ‘oo’ totoo ang mga iyon. Patawarin mo ako.” Ito ang kanyang tugon habang pinipilit niyang hawakan ang anak niyang si Mark.
“Pwede ba Ina? ‘Wag mo muna akong mahawak-hawakan. Hindi man kita dapat kamuhian, ngunit, namumuhi ako sa’yo.” Panggigigil ang nararamdaman ni Mark nang sabihin niya ito.
Sa puntong iyon, bigla na lang nagwala si Mark. Sinipa ang mga upuang nakapaligid, sinuntok ang mga pader, binasag ang lahat ng pwedeng basagin. Sumigaw ng sumigaw hanggang sa mawalan ng boses at umiyak ng umiyak hanggang saw ala ng iluluha pa. Si Sheila ay wala rin namang magawa sa nangyayari, nasa isang gilid lamang siya at umiiyak. Pinilit ng kanyang Ina na pakalmahin si Mark, ngunit patuloy pa rin ang pagwawala niya. Puro tanong na nais isiwalat ang nasa isip ni Mark.
“Ang hindi ko lang talaga maintindihan, Ina, ay bakit pinalipas niyo pa ni Itay ang labimpitong taon bago niyo sabihin sa akin ang tungkol sa bagay na ito? Kung tutuusin, hindi niyo naman sinabi e, nadiskubre ko. Dahil sa sakit na ito, maaaring hindi lumampas ng limang taon pa ang buhay ko. Ikaw Sheila, ilan taon ka noong malaman mo ang bagay na ito? Tapos, ‘di mo rin sinabi sa’kin.” Wika ni Mark na may matinding panggigigil at pagkagalit.
Lumipas ang ilan pang mga oras na tahimik na ang paligid sapagka’t nakaupo na lang silang lahat. Nakatitig sa isa’t isa at nakatulala. Hanggang…
“Tama na, tigilan na muna natin ‘to. Hindi tayo makapag-uusap ng maayos kung pare-pareho tayong mga hindi kalmado. Lalabas muna ko’t magpapa-lamig, saka na lang tayo mag-usap kapag maayos na ang ating pag-iisip.” Ito ang sinabi ni Mark na may kahinahunan, at lumabas na siya ng kuwarto upang magpalamig.
Pumunta naman ang kanyang Ina at kapatid sa kanilang sari-sariling kuwarto.
Lumipas ang tatlong araw at wala paring pag-uusap na nangyayari. Dahil sa nangyaring iyon, naapektuhan ang pag-aaral ni Mark, lagi na lang siyang nakatingin sa malayo at malalim ang iniisip. Dahil din doon, pati pakikipag-kapwa tao niya at lahat ng bagay na patungkol sa kanya ay nagkaroon ng malaking pagbabago.
Marami sa kanyang mga guro, kaibigan, at kasama sa simbahan ang nakapansin tungkol sa kanyang pagbabago ngunit wala naman silang ginawa.
Ang dating Mark na masigla, pala-ngiti, malusog at mahilig makipag-daldalan ay ngayon ay kabaligtaran. Siya ngayon ay malungkot, lagging malata at may kapayatan na. Dahil doon, unti-unti siyang nanghina at naging daan upang siya’y ma-confine sa ospital. Maraming nag-alala at bumisita sa kanya, sa kabila noon, wala pa ring pagbabagong nakita sa buhay niya.
Ang buong pamilya naman ay nasa ospital. Sa kuwarto ni Mark kumatok ang Doktor.
“Tao po, papasok na ho ako. Ms. Geronimo, ‘wag po kayong magugulat sa sasabihin ko tungkol sa anak niyo.” Ika ng Doktor.
“Ano ho ba iyon?” Tugon ng Ina ni Mark.
“Isang taon na lang po ang itatagal ng buhay ng anak niyo. Maaari pong mayroon siyang traumatic experiences na nakapagpa-lala ng sakit niya.” Wika ng Doktor.
“Hindi na po ako nagugulat diyan. Gusto ko man pong umiyak, kaso, wala na po akong iluluha.” Tugon ng Ina na may panlulumo.
Hindi na alam ng Ina ang kanyang gagawin, nanghihina na rin siya. Nakalabas naman agad ng ospital si Mark. Gaya ng kinagawian, ganoon pa rin ang routine ng buhay ni Mark hanggang isang araw nagkasalubong sila ng kanyang childhood bestfriend na si Ella sa isang fastfood stall.
“Oy, Ella, long time ha.” Winika ni Mark sa kaibigan.
“Gago, okay na ako dito sa buhay ko, ‘kaw? Ba’t mukhang pasan mo na ang mundo? ‘Lan taon lang tayong ‘di nagkita e, namayat ka na ng ganyan.” Pagtatanong ni Ella.
“Ha? Hindi, okay lang ako, medyo may mga iniintindi lang na mabigat-bigat. Pero, kaya ko naman.” Ika ni Mark.
“Mukha nga e.” Tugon ni Ella na may pag-aalinlangan.
Ang pagkikita nila ay nagpatuloy, tuwing uwian nila’y lagi silang nagkikita, nagkukwentuhan ng tungkol sa kanilang mga buhay-buhay. Nagkakasiyahan, nag-aasaran, nagkaka-pikunan, nagkaka-tampuhan at kung anu-ano pa. Ang turingan nila ay parang tunay na magkapatid. Ang ganoong pakiki-tungo nila sa isa’t isa ay patuloy na umusbong hanggang sa dumating ang pagkakataon na tumibok ang mga puso nila sa isa’t isa.
Minsa’y muli silang nagkita sa estasyon ng bus upang tumungo sa kani-kanyang paaralan.
“Bakit ganun?” Ika ni Mark sa kanyang sarili. Parang biglang nawala ang lahat ng kanyang problema ng makita niya si Ella. Ngunit naiilang naman siya na kausapin at titigan mata sa mata ang dalaga. Ito na nga, “na-iinlaove” na siya. Nananatili silang nakatayo sa estasyon na magkaharap sa isa’t isa.
“Hoy! Sasakay ba kayo o hindi? Abe, kayo na lang ang hinihintay namen. Dali!” Sigaw ng tsuper sa dalawang nagkakatitigang mga bata.
“Ay! Opo, nandiyan na kami. ‘Lika na Mark, tado ka kasi e. Nakatulala ka pa diyan.” Ika ni Ella.
“Oo na, pasensiya na. Namumura mo pa ako e.” Pagtugon ni Mark sa kaibigang tila nang-aasar pa.
Sa bus, pinagpa-tuloy nila ang kanilang pag-uusap. Sinabi ni Mark kay Ella na saka na lang sila mag-usap dahil may sasabihin siyan napakahalaga tungkol sa kanyang pagkatao.
Pinuntahan ni Mark si Ella sa kanilang bahay upang sabihin ang tungkol sa kanyang pagkatao.
“Halika! Doon tayo tumungo sa bubong namin. Malamig doon lalo na ngayong gabi. Masisiyahan kang pagmasdan ang mga bituin sa kalangitan kapag tayo’y nakahiga.” Masayang pagsabi ng binata.
Wala naming nasabi ang dalaga, tumugon na lamang siya ng isang ngiti. At iyon nga, tumungo na sila sa bubong nila Mark.
Sa itaas ng bubong, nakahiga man sila at pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan, hindi pa rin naiwasan ni Ella na itanong kay Mark kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit biglang nagbago ang kanyang kaibigan.
“Mark.” Mahinahong pagkakasabi ni Ella.
“Ano ‘yon?” Ika ni Mark.
“Uhm, pansin ko lang ha. Bakit parang nung una tayong magkita e, napakalungkot mo at parang latang-lata ka sa buhay mo?” Nagtatakang tanong ni Ella.
“Ha? Wala lang, nagkataon lang na may ginawa akong nakakapagod.” Tugon ni Mark.
“Mark, sugaot ka lang sa’kin ng totoo ha! Ano ba talaga ang dahilan? I know there is something, tarantado ka kapag ‘di mo ko sinagot ng totoo.” Pasiga itong sinabi ni Ella.
“Ha, sige na nga. Yun nga yung sasabihin ko sa’yong mahalaga. Tanong ko muna sa’yo, halimbawa may nagsabi sa’yo na isang taon na lang ang itatagal mo sa mundo? ‘No reaksyon mo?” Ika ni Mark.
“Pwede ba, tigilan mo na nga ‘yang paliguy-ligoy mo. Tumbukin mo na ang dapat tumbukin.” Tugon ni Ella.
Dahil nga sinabi na ni Ella ang bagay na iyon kay Mark, napilitan na siyang sabihin ang mga pangyayari. Sinabi na niyang ma-igsi na lang ang itatagal niya sa mundo. At sinabi din niyang nagka-away at hanggang ngayon ay hindi pa sila nag-uusap ng kanyang mga magulang dahil sa bagay na iyon. Habang patuloy siyang nag-kukwento kay Ella, patuloy rin ang pagtulo ng luha sa kanilang mga mata na tila ba’y ito’y isang kalungkutang walang katapusan.
“Alam mo, nung malaman ko yung tungkol sa nagay na iyon. Para bang, ito yung naging bunga ng pagkakaroon ko ng kalungkutang hindi mapapawi. Pero, kahit na, mula nung nakita kita e biglang nagkaroon ng konting ligaya sa puso ko.” Maluha-luha itong sinabi ni Mark.
“Alam mo rin ba Mark, tarantado ka rin hano. Pasensiya na, gusto ko mang umiyak e, ‘di talaga ako maiyak e. Ang nararamdaman ko lang ngayon e para bang may sampung sako ng bigas na nakapasan sa likod ko at gusto akong ibagsak, iyun lang. Halika nga rito, yakapin na lang kita para masamahan kita sa pag-iyak mo. Iyakin ka rin e.” Ito naman ang tugon ni Ella kay Mark.
Iyon na nga ang nangyari, nag-yakapan na nga ang dalawang magkaibigan, yakapang mahigpit na mahigpit. Sa kanilang pag-yayakapan, may ninais sabihin si Mark kay Ella.
“Ella, salamat ha.”
“Salamat saan?”
“Sa lahat.” Sabi ni Mark.
“Di kita maintindihan, yakapin mo na lang ako ng mahigpit.” Wikang mabilis ni Ella.
“Pwede bang maging tayo? As in ngayon na, tayo na. Girlfriend boyfriend, bf gf.” Pagtatanong ni Mark.
“Oo ba, tutal matatanda na naman tayo e. Kaso, nakakabuisit ka.”
“Bakit naman?”
“Wala man lamang tayong kilig moments bago maging tayo.”
“Ede, gumawa tayo ng kilig moments. Now na, hada ka na ba?” Ika ni Mark.
“As in, now na?”
“Yup, now na.” Sabi ni Mark na medyo may kapilyuhan sa pandinig.
At doon na nga nagsimula ang kanilang “first ever kilig moments”. Kiniliti ng kiniliti ni Mark si Ella hanggang sila’y napahigang muli at nagkaharap ang mga mukha. Sa puntong iyon, bigla silang natigilan at tinitigan ang isa’t isa. Sa isang saglit, unti-unting nagdikit ang kanilang mga labi sa isa’t isa. Unti-unti na ring nagkaroon ng matinding init sa kanilang mga katawan. Ang kanilang kauna-unahang pagpapalitan ng init ay doon mismo naganap sa bubong nila Mark.
Kinabukasan, muli silang nagkita. Papunta sana sila sa sakayan ng bus.
“Oy, labidus. Sbay na tayong maglakad papunta sa bus terminal.” Pag-yaya ni Mark.
“Mark, paano kung buntis ako?” Tanong ni Ella.
“Paano mo naman nasabi ‘yan?” Tanong ni Mark habang sila’y naglalakad
“ ‘Ala lang, e kung saka-sakali, anong gagawin mo?” Ika ni Ella sa kasintahan.
“Ede, pananagutan ko ‘yan. Magpapagaling ako upang masubaybayan ko ‘yan dala mo.” Mayabang na tugon ni Mark.
“Oh sige, ‘yun lang. ‘Kaw ba, labiduds, ano balak mo? Napag-isip-isip mo nab a na dapat na kayong mag-usap ng nanay at kapatid mo?” Tanong ni Ella.
“Oo, napag-isipan ko na rin ang bagay na iyan. Sa tingin ko, dapat na akong humingi ng tawad sa kanila. Kasi, pag ‘di ko ginawa ‘yon e pare-pareho lang kaming maaapektuhan at patuloy na magkakaroon ng lungkot sa puso. Kaya, yun na nga.” Paliwanag ni Mark.
“Mabuti ‘yan, kahit pala bobo ka, nag-iisip ka rin. ‘Wag kang mag-alala, susuportahan kita, labiduds yata kita.” Sumusuprtang tonong binitawan iyon ni Ella.
“Salamats.” Pabulong na sinabi iyon ni Mark ng hinalikan niya sa pisngi si Ella.
“Oh, ayun na yung bus, sakay na tayo.” Pag-yaya ni Ella.
“ ‘Lika na nga.” Tugon ni Mark.
The day after tomorrow, tumungo si Ella sa bahay ni Mark at ipina-alala ang dapat gawin.
“Labiduds, handa ka na ba? Nasan ba sila? Ika ni Sheila.
“E, nasa kusina si Inay, si Sheila naman ay nasa kuwarto niya.” Pahayag ni Mark.
“O sige na, napakakupad mo, go na.” Pag-utos ni Ella.
Pumasok na si Mark sa kanilang bahay at tumungo na sa kuwarto ni Sheila at sa kanya ring Ina na nasa kusina. Tinipon niya ang kanyang pamilya sa kuwarto kung saan nalaman niya ang tungkol sa kanyang malubha at walang lunas na sakit.
“Ina, Sheila, gusto lang sana na humingi ng tawad sa inyo dahil sa nagawa noong nakaraang Linggo.” Biglang tumulo ang luha ni Mark. “Patawarin mo na ako, Ina. Alam ko, mali ‘yung nagawa ko na ‘yun, ‘yung pagwawala. Dapat ay inintindi ko kayo na nagawa niyo lamang iyon para sa’kin. Ayaw niyong masaktan ako, gusto niyo lamang na ‘I must live my life to the fullest’ Sige na, tama na, baka humagulgol pa ako.” Paliwanag ni Mark.
“Diyos ko, anak. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko. Patawarin mo na lang din ako anak. Kung hidi ko iyo tinago sa’yo mula pa noong ika’y bata, sana’y hindi ito nangyari.” Bulalas ng Ina.
“Ako man kuya, ganun din, patawad rin.” Sabat ni Sheila.
“Mahal na mahal ko talaga ang pamilyang ito. Okay na, tama na, alam niyo naman na ayaw na ayaw ko ng iyakan kahit iyakin din ako.” Wika ni Mark na may ngiti.
Sa oras na iyon, pinag-usapan na lang nila kung paano magiging masaya pa ang buhay ni Mark. Tanggap na ni Mark na isang taon na lang ang ilalagi niya sa mundo. Ibibigay nila ang lahat kay Mark ng kaligayahan kay Mark upang magkaroon siya ng mga alaala bago siya mawala sa mundo. Ang nasa isip niya ay gagamitin na lang niya ang kanyang buhay para sa kanyang kaibigan, pamilya, at sa Panginoon.
“Alam niyo, Ina. Biglang guminhawa ang paki-ramdam ko. Nga yon ko lang nalaman na ang kalungkutang hindi mapapawi ay maaari pa lang mapawi, salamat talaga.” Mahinahong pagkakasabi ni Mark.
Pagkaraan ng kanilang mahabang usapan at iyakan, lumabas na sila ng kuwarto at ginawa ang iba pa nilang tungkulin. Tinungo ni Mark ang kanilang tagpuan kung saan naghihintay si Ella.
“Labiduds, salamat. Mahal na mahal kita. Thanks for being there.” Sinabi ito ni Mark kay Ella na may paglalambing.
“Okay lang ‘yun. For what cause pa ang pagiging tayo kung hindi kita tutulungan.” Tugon ni Ella.
“Pa-kiss nga.” Paglalambing ni Mark sa kasintahan.
“Mark, pa’no ‘yan, after one year maghihiwalay na tayo. Paano kung magka-anak ka sa akin? Kawawa naman ang magiging anak natin kung maaga siyang mawawalan ng ama.” Pahayag ni Ella na medyo naiiyak-iyak pa.
“Tapatin mo nga ako Ella, patawarin mo ako pero nabuntis ba kita?” Tanong ni Mark. Isang pagtango lamang ang tinugon ni Ella kay Mark. Nagulat naman si Mark sa narining.
“Diyos ko, Ella, patawarin mo ako. ‘Wag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat upang mapanagutan ko yan. Magiging mabuti ako ama at asawa. Patawarin mo ako, dahil sa nagawa ko sa’yo, maaarin mong hindi matapos ang iyong pag-aaral. Hahanap ako ng magaling na doctor na magpapa-galinjg sa’kin upang sa ganoong paraan, masusubaybayan ko yang anak natin. Basta, patawarin mo ako. Ano? Alam na ba ng mga magulang ang tungkol sa bagay na iyan? Ako, hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin kay Inay.” Pahayag ni Mark.
“Hindi pa, at hindi ko rin alam kung paano ko ito sasabihin sa kanila. Baka mabugbog lamang ako ni Itay. Sasabog na ang utak ko, hindi ko na alam kung ano an gang aking gagawin. Mark, anong gagawin ko?” Hagulgol ni Ella kay Mark. Niyakap ni Mark si Ella.
“Lumipas ang ilan pang mga araw bago sabihin nina Ella at Mark ang tungkol sa kanilang nagawa. Una silang tumungo sa bahay nila Ella. Pinuntahan nila ang tatay ni Ella na nag-kakape sa kanilang hardin at naghanda sa kanilang pagsasabi.
“Itay, ‘wag kang magugulat sa sasabihin ko.” Wika ni Ella sa ama.
“Baket? Ano ba ang problema, anak?” Tanong ng Ama sa anak.
“Buntis po ako, si Mark po ang ama.” Isinawalat na ni Ella ang kanyang pagbubuntis.
Sa pagkakataong iyon, naibagsak ng ama ang kanyang hawak-hawak na kape. Hindi makapaniwala ang ama sa narinig mula sa bibig ni Ella. Halos gumuho at magwala ang kalooban ng ama, nakatulala lamang siya sa harap ng kanyang anak at kay Mark. Ngunit sa kabila noon, pina-iral pa rin niya ang puso ng isang maintindihing ama. Kinausap ng ama sina Ella at Mark ng mahinahon at walang bahid ng matinding galit. Ang tanging mababatid mo lamang sa kanyang mga mata ay ang panghihinayang at pagkalungkot.
“Anak, ikaw ang may gusto niyan, hinayaan mong mangyari iyan sa iyo. Kung ano man ang kalalabasan niyan ay harapin mo at panindigan ng buong tapang. Alam mo ito anak, marami akong pangarap para iyo ang hindi na maaari pang matupad. Kahit ganoon pa man, tatanggapin ko iyan ng buong puso at walang bahid ng pagkukunwari. Apo ko na iyan, ang kauna-unahan kong apo.” Ito ang kanyang mensahe para kay Ella.
“Ikaw naman Mark, hindi ko inaasahan na ikaw ang unang gagalaw sa aking. Gusto ko man na magalit sa iyo, wala na akong magagawa, nandiyan na iyan. Alagaan mo na lang ang anak ko at ang inyong magiging anak, responsibilidad mo na siya ngayon. Sa oras na iwan mo siya, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa’yong masama.” Paalala ng ama Kay Mark.
Ang lahat ng reaksyon ng ama na iyon ay taliwas sa kanilang inaasahan.
Ang akala nila’y hindi luluha ang kanilang ama, ngunit pag-alis nila sa harap ng niya, bigla na lamang tumulo ang luha nito. Tinungo naman nila ang ina ni Mark at tulad din sa naging sa ama nila Ella, madali rin nila itong natanggap. Hindi makapaniwala ang magkasintahan sa mga nakalipas na pangyayari, tila bang umaayon sa kanila ang panahon.
“Napakaswerte natin hano.” Ika ni Mark.
“Oo nga e.”
“Ano ba magandang pangalan para sa panganay natin?”
“Markell, parang gusto ko ‘yun. Kahit babae lalake pwede.”Tugon ni Ella.
“Pwede nga iyon. Halika, hatid na kita sa inyo. Saka na lang natin pag-usapan ang hinaharap natin. I love you! I love you! I love you.” Wika ni Mark.
“Oo na, I love you too! Para kang sirang plaka, paulit-ulit.” Sagot ito ni Ella upang matigil lamang si Mark sa kanyang pangungulit. Hinatid na ni Mark si Ella sa kanyang bahay.
Lumipas ang limang taon at maayos na ang lahat. Mula sa bintana ng kusina sa bahay ni Ella, tinawag niya ang kanyang ama at anak na naglalaro at nagkukuwntuhan sa hardin.
“Itay! Markell! Halika na, aalis na tayo.” Sigaw na pantawag ni Ella.
“Opo! Pasunpod na kami. Lolo, magkuwento ka pa ng tungkol kay itay, dali. Marami pa akong gusting malaman. Sige na, dali na Lolo.” Pangungulit ni Markell sa kanyang Lolo.
“Oo, sige. Magkuwento pa ako ng tungkol sa iyong Itay. Pero mamaya na, bibisitahin muna natin siyam kaatawan niya ngayon. Sinisigurado ko sa’yo, pagkagaling natin sa kanya, magkukuwento pa ako ng maraming-marami.” Paliwanag ng ama ni Ella sa apo.
“Pangako iyan ha. Itay, bibisita na ulit kami sa’yo.” Ika ng bata.
“Itay, Markell, halika na. Nandiyan na yung motor. Dalian niyo diyan.” Pangalawang tawag ni Ella.
Papunta na sila sa lugar na dapat nilang puntahan. Sa kanilang pagbiyahe, tuloy pa rin ang pangungulit ni Markell sa kanyang Lolo na magkuwento pa tungkol sa kanyang itay. Nakarating rin sila sa lugar.
“Itay, nandito na kami. Dali, Inay, Lolo, kantahan na natin si Itay ng happy birthday.” Pagkasabik ang nararamdaman ni Markell ng sabihin niya ito.
Lumipas ang mga oras na puno ng kasiyahan at kuwentuhan. Marami silang pinag-usapan na patungkol lamang sa mag-asawang Mark at Ella.
“Inay, hulaan ko, pinag-sama niyo ni Itay ang mga pangalan niyo para mabuo ang pangalan ko hano.” Pahayag ni Markell.
“Ang talino mo anak, nalaman mo iyon. Parehong-pareho kayo ng ama mo, pareho kayong mayabang at makulit.” Ika ni Ella.
“Hehe! Ikaw talaga Inay, me ganon.” Pagpapatawa ni Markell.
Nabagot na ang bata at nag-yayaya nang umuwi.
“Sige na Itay, dalin mo na si Markell sa motor, mauna na kayo, ma-iwan muna ako ditto. Markell, paalam ka na sa Itay mo.” Bilin ni Ella.
“Itay, bye bye na, mahal na mahal kita. Kahit wala ka na ditto, alam ko naman na binabantayan mo kami e. I love you ulet, bye.” Pamamaalam ni Markell sa puntod ng kanyang Itay.
“Ella, napakaswerte mo sa anak mo.” Pabulong itong sinabi ng ama kay Ella.
“Alam ko po iyon, sige na, mauna na kayo.” Pagtugon ni Ella.
Pumunta na sa motor ang ama at kanyang anak habang siya’y nagpa-iwan sa harap ng puntod ng asawa.
“Narinig ang sinabi ni Itay, napakaswerte natin sa ating anak. Sayang lang at iniwan mo kaagad kami. Sabi mo magpapa-galing ka para sa anak natin. Tarantado ka pala e, ay nakapagmura na naman ako, ikaw kasi e. Sabi mo, hindi ako dapat magmura para sa anak natin. O ayan ha, tinutupad ko yung usapan natin bago ka mamatay na tuwing kaarawan mo e bibisitahin ka namin lagi, pa-importante ka pa kasi e, biro lang. Baka mamaya ikaw ang bumisita sa amin, ‘wag naman. Okay na ‘to, kami ang bumibisita sa iyo. Basta, mahal na mahal kita. Aalis na kami ha.” Ita ang mensahe ni Ella sa harap ng puntod ng kanyang asawa.
Bago isilang ang kanilang panganay ay nawala na kaagad si Mark sa mundo. Mahirap man itong tanggapin, pinilit itong tanggapin ni Ella alang-alang sa kanilang anak. Dahil sa mga pag-sasakripisyo at pag-titiis ni Ella, dumating ang napakagwapo, napakaputi at napakabait na anghel---si Markell.
At diyan nagtatapos ang maikling kwento na likha ni Joshua Canlas.

“Worthless, Everything is Worthless”

“Sayang, Sayang ang Lahat”

Sayang ang lahat,
Hindi lang pera, hindi lang effort,
Pati ang suporta na mula sa kanila,
Naka-iiyak man ngunit kailangan tanggapin
"Kuya Josh, bakit ka sumuko kaagad?
Ikaw yung may sabi sa’min na ‘wag kaagad sumuko e,
Nakaka-inis ka.”
"Basta, big secret, may cashunduan lang na involve, hehe.
Pwede ko naman kayong tulungan
Kahit wala akong posisyon e.”
Na-iiyak ako, di ko lang masabi sa kanila ang totoong dahilan
Basta, yun na yun
Wala ng salita-salita
Hehehe,! Tawanan na lang yan


“Worthless, Everything is Worthless”


Worthless, everything is worthless
Not only the money,
Not only the effort have I exerted,
But also the support I got from them
Although I am crying,
I must accept the real thing
“Kuya Josh, why did you withdraw?
You are always saying to us that
We must not give up,
But now…”
“Ha? It’s nothing, just a big secret.
I just have some money problem.
I can serve the school
Without any position, right?”
I cannot say the real thing,
The truth
Okay, it’s enough, no more words
Just make fun out of it.


Everything above is true; I did many sacrifices for that thing I withdrew from. I gave everything that I can give. I gave money, I exerted effort, and I gave myself. But, after all those things, I got nothing. “Worthless, everything is worthless”. The real thing is, I didn’t withdraw, they, the committee pulled me out, for they said that I have some technical problems. It’s okay with me because I have an idea of that problem. But the issue is they pulled me out the day before the big thing, before the election. They said that the screening committee screened carefully the candidates. But, why did I pass out? Sorry for the word, but they are not responsible on what they are doing.

worthless Pictures, Images and Photos

The activity coordinator told me, “Joshua, after lunch break, the candidates will have the last miting de avance. And I am asking you to tell to the whole student body that you are withdrawing your candidacy. Just understand the situation, okay.” Do you think that’s right? Although it is good for me, my reputation will not be on the hook, but my point is they told me that way so that the students won't think that they are irresponsible. Hello, it’s not okay with me. If you are at my situation, what are you going to feel? Try to think of it.


worthless Pictures, Images and Photos

About Me

My photo
J- Joker O- Over Acting S- Short Tempered H- Happy go with purpose and plans U- Understanding A- Always at your side to help you