Tuesday, September 1, 2009

“How Well Do You Know Me?”

Hey you, yes you, whoever you are. How well do you really know me? If you think that you already know me very well. Then, I am telling you, you are wrong. Nobody in this world really knows who I am.
Malamang nagtatanong ka na ngayon kung paano ko nasabi iyon. Nasabi ko na hindi mo pa ako kilala kasi sa iba’t ibang lugar na pinupuntahan ko ay iba-iba rin ang mga ugali na ipinapakita ko. Iba ako sa bahay, iba ako sa church, iba ako sa paaralan at sa iba pang lugar na aking napupuntahan.

Kapag ako’y nasa chuch, isa akong matinong bata. Matino talaga, matulungin, puro po at opo ang laman ng bibig. Ang sabi ng mga nakakakita sa akin kapag ako’y nasa lob ng church, masyado raw silang pinagpala para sa aking buhaydahil nagagamit ko ang talent ko sa paglilingkod. Hehe! Para kay Bro iyon e.

Kapag naman ako’y nasa paaralan, ako’y isang commoners o common student, ordinaryo. Isa akong maharot, madaldal, nakadikit sa mga brainiacs (yung mga super talino), nagsismula at nakiki-sama sa ingay, at nagpapaturo sa mga brainiacs ng mga assignment. Slightly naughty (parang maharot din yun?). Wala lang, talagang commoners lang “hindi matalino”.

“Ako” kapag nasa bahay. All I can say is “I am very different to any other anak”, tahimik lang ako at hindi masyadong nakapagsasalita, hindi nailalabas ang gustong sabihin kasi maraming hindrances. Hehe, tipid ko talaga.

Panghuli, kapag ako’y nasa iba’t ibang lugar. Kapag ako’y nakasalubong sa kalsada, hindi mo aakalaing ako iyon o ang kuya Joshua mo sa school. Kasi natatakpan ng head cap ang mukha ko, tahimik, smart to talk with at medyo nakakunot ang noo o nakasibangot. Tipid akong magsalita, hehe, basta iyon ang aking mga personality.



Ito na lang ang mensahe finale ko “Kung sa tingin mo’y kilala mo na ako, mag-isip-isip ka ka muna dahil nagkakamali ka. Buwahaha…!”

“The Big Question of My Present Life”

Pwede bang itago ko na lang muna ang other personality ko? Pwede bang tuluyan ko munang kalimutan, kahit sa sandaling panahon lang? Pwede bang pairalin ko sa buhay ko ang personality na gusto ko? Gusto lang maranasan ang pagiging ordinaryong youth sa society na ito.

Ordinaryong youth na walang iniintinding ministry, walang inaalalang responsibilidad, walang inaalalang mga tuturuan, at ordinaryong youth na gusto lamang ma-spend ang aking time sa mga kasiyahan sa world.

Kasiyahan sa mundo tulad ng mga, spending time with my classmates, do things that I want to do, make relationships, try everything, partying, lakwacha, “and so many more”.

“Showing the real me, making my life an absorber and a source of happiness.”


Gusto kong pairalin sa life ko ang personality na gusto ko. Masiyakin ng todo-todo, sigaw ng todo-todo, partying to the max, and taking my life to the next level.

Okay, didiretsuhin ko na, “ I don’t want to have anymore connections on my c-life. When I am outside the c, as much as possible I don’t want to be a c. Okay, sawa na kasi ako e. I am very exhausted and frustrated.

“I just wanted to be normal.
…just wanted to be me…”




Okay, wala nang paliwanagan pa. This is the end of my life. BANG!

“The Big Force Inside Of Me That Wants To Explode”

Madalas, kapag ako’y nag-iisa lamang sa isang lugar o ‘di kaya’y sa aking kuwarto, bigla-bigla na lang tumutulo ang luha mula sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ganoon, para bang may malakas na pwersa sa loob ko na gusting lumabas o sumabog, para bang gusto ko na lang na humagulgol at magwala sa aking kinatatayuan.

Masyadong maraming mga bagay akong naiisip. Nakaraang buhay, nakaraang ekspiryensya, mga pagsubok, mga paghihirap, mga kasiyahan at kung anu-ano pa. Siguro, kaya ako naiiyak kasi may mga bagay na bumabagabag sa aking kalooban at hinanakit sa mundo pero wala naman akong masabihan tungkol dito. Ikaw kaya, kaibigan, pakikinggan mo ba ako kapag nagsabi ako sa’yo tungkol sa mga bagay na iyon? Hinahangad ko iyon. Alam mo kasi, hindi ko alam kung paano isasaad sa kapirasong papel na ito ang lahat ng nasa saloob ko. Kaya, sa tingin ko, kapag may nasabihan ako ay maiibsan ng kaunti ang problema ko.

“Mahina ka! Sure ka, kaya mo?
You don’t have the guts to pursue your dreams!
He will not make it, trust me…”


Ilan laman ito sa mga salitang narinig ko at patuloy kong naririnig kahit na iwasan ko an mula sa mapanghusgang mga taong nakapaligid sa akin. Araw-araw ay umiipon ang mga salitang ito sa dibdib ko. Kahit anong oras ay maaari akong mapuno at bigla nalang akong sumabog. Kapag nangyari ito, hindi ko alam kung ako ang makakaya kong gawin.

Nagkaroon ng sandali sa buhay ko na nagalit ako, napuno ako. Hindi ko namamalayan, nagwala na pala ako at nakasakit na ako ng aking kapwa. Napakabigat para sa kalooban ko iyon, nagapi ako, natalo, iyak ako nang iyak dahil natalo, talagang hagulgol sa pagkatalo. Hindi ito dahil kung kanino, kundi ano. Nagpatalo ako sa isang bagay na kung saan ayaw na ayaw kong magpatalo. Alam niyo kung ano iyon, “GALIT”, nagpatalo ako sa galit ko. Nakasakit ako ng kapwa ko dahil sa matinding galit. Ikinuwento ko ang baga na ito sa Punong Guro ng aming paaralan.

=+=: Joshua, sige umiyak ka, hahayaan kitang umiyak.
+=+: Ma’am, hindi ko kaya ‘to, nagpatalo po ako sa galit ko, natalo ako.
=+=: Hindi masama ang ginawa mo. Tandaan mo na hindi tayo perpekto para tuluyang
mapigil ang galit natin. Kung ang Lord nga ‘di ba nagalit din, ganoon din tayo,
nagagalit. Pero tama ang ginawa mo na pigilan ang galit.
+=+: Salamat po.



Hindi lang kapwa ko ang nasasaktan ko kapag sumabog na ang nasa saloob, kundi pati rin sarili ko. May sandali ng buhay ko na nasa loob lang ako ng kuwarto ko at umiiyak. Biglang pumasok sa isipan ko na “Subukan ko kayang maglaslas ng pulso, minsan lang. Bakit si **** nagagawa iyon? Hindi naman namamatay. Kaya subukan ko lang, minsan lang.” Noong naisip ko iyon, agad-agad, bumili ako ng blade at bumalik sa aking kuwarto. Noong oras na iyon, ginawa ko na ang aking nasasa-isip. Habang tumutulo ang dugo mula aking kamay, para bang tumutulo rin kasabay nito ang mga problema ko, parta bang may tuwa akong nararamdaman. Hindi ko alam kung tama ba iyon.



Maraming mga bagay akong naunawaan matapos ang mga nangyari sa atin. Walang tao ang maaaring mabuhay ng mag-isa. Kailangan natin ng kaibigan, ng tunay na kaibigan. Napakatanga ko! Ang mga taong hinahanap ko ay nandyan lang pala sa paligid. Malamang patay na ako ngayon kapag hindi ko sila natagpuan. Basta!

Anger is not a bad thing, being angry is also not bad, and that is a natural sensation. The bad thing is when we don’t know how to control or place our anger, bad things will sure follow and we can get our life a big mess. Okay, I just have a message for all the people who are like me “Please! Don’t be a big f*****g sh*t, don’t be a big fool like me. Find someone to talk with about something. You know, I am really emotional about my life. Behind this happy face is another face of mine, meet sadness.

About Me

My photo
J- Joker O- Over Acting S- Short Tempered H- Happy go with purpose and plans U- Understanding A- Always at your side to help you